Suportado ng Malacañang ang kanselasyon ng quarantine passes sa Cebu City na inilagay sa lockdown bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magandang hakbang ang pagkansela sa 250,000 quarantine passes.
Aniya, masyado itong marami para sa siyudad na may 900,000 residente.
Mahalagang makapag-isyu ng isang quarantine pass sa bawat household na siyang kukuha o bibili ng essentials.
Bukod dito, maaari ding tapikin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang military para ipatupad ang quarantine protocols.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cimatu na tutukan ang COVID-19 response sa lungsod.
Facebook Comments