Nakiisa na rin sina Marikina Mayor Marcy Teodoro at Pasig Mayor Vico Sotto sa panawagan ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal na kanselahin ang tatlong malalaking “quarrying
agreements” sa protected at conserved areas sa Rizal.
Tinutukoy rito ang Upper Marikina Watershed at Masungi Geopark Project.
Taong 2020 nang hilingin ni Rizal Governor Rebecca Ynares at mga alkalde sa lalawigan ang pagpapatigil sa operasyon matapos manalanta ang Bagyong Rolly at Ulysses.
Sa kaniyang Memorandum 2020-01, hinimok ng gobernador ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kanselahin ang lahat ng mining tenements sa lalawigan ng Rizal upang maibsan ang baha.
May ganitong kahilingan na rin ang iba’t ibang grupo ng mga eksperto, civic leaders, at indigenous people kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi aniya kinansela ni DENR acting Secretary Jim Sampulna ang mga MPSA at sa halip ay sinuspinde lang ang mga quarry sa loob ng 24 na taon.
Kasama rin nilang hiniling ang pagtanggal at pagpatigil sa illegal structures sa watershed, kabilang ang mga swimming pool resort at rest house.
Sana aniya ay bago bumaba sa pwesto ang pangulo, matugunan na ang kanilang kahilingan.