Pagkansela ng US visa ni Sen Dela Rosa direktang banat ng Amerika kay PRRD ayon sa Sec. Lorenzana

44

Malinaw na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nais patamaan ng Amerika sa pagkansela ng US Visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Ito ang reaskyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na mag banta ang Pangulo sa Amerika na kakanselahin nya ang Visiting forces Agreement sa Pagitan ng Estados Unidos kung hindi aayusin ang US visa ni Senator Dela Rosa.


Paliwanag ng kalihim, ang direktang pag-target ng US kay delarosa bilang tagapagpatupad ng Drug war, ay kinokonsiderang personal na pag-atake sa Pangulo, na siyang nagbigay ng opisyal na kautusan kay Delarosa na ilunsad ang kampanya kontra droga.

Giit ng kalihim naiintindihan niya ang posisyon ng Pangulo dahil ang pangulo mismo nagsabi na handa siyang makulong para sa mga  aksyon ng kanyang mga tauhan na kanyang binigyan ng direktibang ipatupad ang kanyang mga programa lalot kung may kinalaman sa drug war.

Facebook Comments