Pagkansela ng usapang pangkapayapaan ng Pilipinas sa CPP NPA NDF, suportado ng militar

Manila, Philippines – Suportado ng Armed forces of the Philippines ang pa-suspendi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapang pangkapayaapaan sa CPP NPA NDF matapos ang ginawang pag-atake ng NPA sa Palawan at North Cotabato.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, kailanman ay hindi naging sinsero ang npa sa usapang pangkapayapaan.

Wala aniyang malinaw na patakarang sinusunod ang NPA kaya’t sunod-sunod pa rin ang ginagawa nitong krimen.


Sinupalpal din ni Arevalo ang pahayag ng NPA na idinedepensa lamang nito ang kanilang sarili sa mga opensiba ng militar.

Ayon sa opisyal, noon pa istilo ng npa na ipasa ang sisi sa AFP tuwing may napapatay na mga sundalo ang mga rebelde.

 

Facebook Comments