Pagkansela sa diplomatic passports ng mga dating DFA secretary, kinuwestyon

Binira ni Vice President Leni Robredo ang pagpapakansela sa diplomatic passports ng mga dating government officials partikular ang mga ex-diplomats.

Ito ay kasunod ng pagharang at hindi pagpapapasok kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa Hong Kong.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, hindi sang-ayon si Robredo na ang mga may hawak ng passport ang isinisisi sa pangyayari kaysa sa ipagtanggol ang mga ito.


Ayon kay Robredo – dapat noon pa lang ay kinansela na ng DFA ang diplomatic passport ni Del Rosario kung dati pa lamang ay bawal nang gamitin ang naturang pasaporte.

Naniniwala si Robredo na kaya hinarang si Del Rosario maging si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na makapasok ng Hong Kong ay dahil sa reklamo nila laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court o ICC.

Facebook Comments