Pagkansela sa G2G importation ng bigas, tanggap ng DA

Walang nakikitang problema ang Department of Agriculture (DA) sa naging pagkansela ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Government to Government (G2G) importation na pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.

Tiwala si Secretary William Dar na may natitira pang bigas ng para sa susunod na anim na buwan ng taong kasalukuyan.

Matutugunan naman aniya ng mga pribadong sektor sa kanilang pag-angkat ang mga susunod pang pangangailangan.


Aniya, dahil hindi na itutuloy ang planong pagbili ng bigas sa ibang bansa, makakatipid ng ₱8.5 bilyong peso ang gobyerno na magagamit naman na pangsuporta sa pagpapaunlad ng produksiyon sa pagsasaka.

Aniya, ang importasyon ng 300,000 metriko tonelada ng bigas ay rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) bilang paghahanda sa epekto ng pansamantalang pag-suspinde ng Vietnam sa pag-e-export nila ng bigas sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments