Pagkansela sa lisensya ng mga baril ni Pastor Quiboloy, pinag-aaralan na ng PNP

Masusi nang pinag-aaralan ng Philippine National Police Firearms and Explosives Office (FEO) ang posibleng pagkansela sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, base sa records ng FEO ay 19 na baril ang nakarehistro sa pangalan ni Quiboloy pero ang isa ay paso na ang lisensya nitong Marso.

Ani Fajardo, nakasaad sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Law of 2012 ang mga dahilan na pwedeng gawing basehan ng pagkansela ng LTOPF ay kabilang ang pagkaka-convict sa Crimes of Moral Turpitude.


Paliwanag nito, dahil hindi pa convicted si Pastor Quiboloy sa kinahaharap nitong kasong sexual abuse, hindi ito pwedeng gawing basehan sa pagkansela ng kanyang LTOPF kung kaya’t kanila nang pinag-aaralan sa ngayon kung maaring gawing grounds ng pagkansela ng LTOPF ni Quiboloy ang hindi nito pag-re-renew ng lisensya ng baril.

Facebook Comments