Pagkanta ng ‘happy birthday’ kasabay ng paghuhugas ng kamay, hindi na kailangan – DOH

Huwag nang kantahin ang “happy birthday” song.

Ito ang panawagan ng Department of Health (DOH) upang makatipid sa tubig lalo na sa mga lugar na nasa krisis ngayon.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – ang paghuhugas ng kamay ay hindi na kailangang isabay sa haba ng kantang “happy birthday”.


Pero sinabi ng kalihim na hindi rin dapat isaalang-alang ang pagligo.

Aniya, kailangan ng tao ng tinatayang 15 litro ng tubig araw-araw para sa paghuhugas ng kamay, pero maaari ring gawing alternatibo ang paggamit ng alcohol.

Base sa World Health Organization (WHO), ang maayos na paghuhugas ng kamay ay dapat kasing haba ng pagkanta ng “happy birthday” ng dalawang beses o 15 hanggang 20 segundo.

Facebook Comments