Malaki ang utang na loob ng Pilipinas kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at sa kanyang team dahil sa pagkapanalo ng bansa sa arbitration case nito laban sa China sa The Hague Tribunal.
Nabatid na ibinaba ng United Nations Arbitration Court noong July 12, 2016 ang desisyon na nagbabasura sa pag-aangkin ng China sa halos buong South China Sea.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na pinagtibay ng arbitral ruling ang hurisdiksyon ng Pilipinas sa West Philippines Sea.
“What cements the reefs and waters as ours is The Arbitral Award won by PNoy, Del Rosario et al. They had no allies; no support from other countries least of all Southeast Asia which tried to sabotage the Arbitral Award when they saw it coming. We owe it to PNoy et al only,” sabi ni Locsin sa Twitter.
Pinuri rin ni Locsin si Paul Reichler, ang matalinong German lawyer na dinipensahan ang petisyon ng Pilipinas laban sa China sa arbitration court.
“Paul Reichler, An Elegant Mind. He pared our claim down to the barest essential and we won without help from anyone out there, especially our neighbors and a West hungry for more renminbi. We didn’t need the world: we have Reichler. Thank you, sir. And that’s a Francis; a genius,” sabi ni Locsin.
Sa arbitration, hinimay-himay ni Reichler ang petisyon ng Pilipinas kung kaya nanalo ang bansa sa kaso.