Pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling, igigiit ni PRRD sa China

Hindi makikipag-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa China kung pinigilan siyang idulog ang isyu ng arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo – walang makakapigil sa kanya na pag-usapan ang anumang bagay na gusto niya lalo at isa siyang Pangulo ng isang malayang bansa.

Aniya, ang The Hague Ruling ang unang bagay na itatalakay niya kay Chinese President Xi Jinping at kung paano reresolbahin ng dalawang bansa ang gusot sa mapayapang paraan.


Matatandaang tutungo na si Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa susunod na linggo.

Facebook Comments