Pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration, iginiit ni PRRD kay Jinping

Iginiit na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pumapabor sa pag-aangkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pero ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana – nanindigan pa rin ang China sa kanilang posisyon at hindi kikilalanin ang arbitral ruling.

Sa kabila nito, nagkasundo aniya ang dalawang bansa na resolbahin ang hindi pagkakaunawaan.


Maliban sa Pilipinas at China, ang Taiwan, Brunei, Malaysia, Indonesia at Vietnam ay may claims din sa pinagtatalunang teritoryo.

Facebook Comments