Pagkapos ng supply ng kuryente, isang uri ng “extraordinary occurrence” – DOE

Aminado ang Department of Energy (DOE) na isang uri ng “extraordinary occurrence” ang nagaganap na kakapusan sa suplay ng kuryente.

Sa pagdinig ng Senado, iginiit ni DOE Undersecretary Jesus Posadas na base sa kanilang mga hawak na data hindi dapat nagkakaroon ng power outages noong April 11 hanggang 12.

Ito ay dahil sapat naman aniya ang power generations ng mga power producer.


Paliwanag pa ni Posadas, biglang nagkasabay-sabay ang shutdown ng ilang power generator kaya kinapos ang Luzon Grid ng 1,502 megawatts.

Pero nauna na nilang nailabas sa forecast na mayroon pang reserba na 1,131 megawatts sa nasabing mga petsa.

Facebook Comments