Nangangarap lamang si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison.
Ito ang pahayag ng Malacañan matapos ihayag ni Sison na pwedeng magkasa ng kudeta ang Estados Unidos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sison, hindi kailangan ng Amerika na unang magbigay ng ‘first shot’ laban sa China – na hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ni Sison, maaaring atasan ng US ang Philippine security forces na arestuhin ang Pangulo dahil sa pagiging traydor nito at iluklok si Vice President Leni Robredo bilang susunod na pangulo.
Sagot ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – isang “wishful thinking” lamang ang mga sinasabi ng talunang revolutionary leader.
Giit pa ni Panelo – ang communist leader ay nagpapakasasa at nagpapakasarap habang ang kanyang mga kasamahan ay naghihirap at siyang lumalaban.
Una nang sinabi ng AFP na walang mangyayaring kudeta laban sa Duterte administration.