Pagkasawi ng mga PDL sa loob ng mga kulungan, maayos na iimbestigahan —DOJ

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na mas magiging maayos ang imbestigasyon sa pagkamatay ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa loob ng mga kulungan sa bansa.

Ito ay dahil sa pagtutulungan ng DOJ, University of the Philippines–College of Medicine at United Nations Office on Drugs and Crime para sa proseso ng imbestigasyon sa pagkasawi ng mga PDL na nasa ilalim ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, malaking tulong ito para masigurong nabibigyan pa rin ng hustisya at inirerespeto ang mga pumanaw na PDL.


Sa ilalim ng deklarasyon, kailangang masunod ang UN Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners na layong masiguro na nakasunod ito sa international standards.

Ang UP ang naatasang magsagawa ng autopsy sa mga labi ng pumanaw na PDL habang ang UN Office on Drugs and Crime ang magbibigay ng technical assistance at suporta para masigurong maayos ang mga proseso.

Facebook Comments