Pagkasawi ng tatlong mangingisda sa Bajo de Masinloc, patunay na dapat pag-ibayuhin ang pagpapatrulya ng PCG sa ating karagatan

Iginiit ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang pangangailangan na pa-igtingin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrolya sa ating buong karagatan.

Sinabi ito ni Castro kasunod ng pagkasawi ng tatlong mangingisda sa Bajo de Masinloc makaraang banggain umano ng isang dayuhang oil tanker ang kanilang sinasakyang bangka.

Naniniwala si Castro na naiwasan sana ang nabanggit na trahedya kung mas maraming PCG ang nagpapatrolya sa lugar.


Sinabi pa ni Castro na ang dagdag PCG patrols ay mainam ding tugon sa ilang taon ng panggigipit ng China Coast Guard (CCG) and militia sa ating mga mangingisda.

Kaugnay nito ay isinulong ni Castro sa Kamara ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente gayundin ang pagbibigay ng dagdag na pondo sa PCG.

Facebook Comments