Pagkasawi ni ex-DPWH Cabral, mataas ang tyansang nahulog at hindi tinulak —PNP-FG

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ng Officer-In-Charge ng Philippine National Police-Forensic Group (PNP-FG) Police Col. Pierre Paul Carpio na mataas ang probabilidad na nahulog at hindi tinulak ang dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Catalina Cabral.

Ayon kay Carpio, base sa imbestigasyon ay nagpadausdos si Cabral dahil na rin sa mga gasgas na nakita sa kanyang kamay at katawan.

Dagdag pa nya, kung tinulak umano ito ay mas malayo sana ang huhulugan nito at sasampa pa ito sa malaking bato na malapit sa hinulugan ng nasabing dating usec.

Sa ulat ng Forensic Group, halos 6 hanggang 9 na palapag naman ang hinulugan ng katawan mula sa Tuba Highway.

Kaugnay nito, lumabas sa autopsy na tinatayang namatay si Cabral bandang alas-3 hanggang alas-5 ng hapon noong Disyembre 18 at dahil sa blunt traumatic injuries dahil sa pagkahulog mula sa mataas na lugar.

Facebook Comments