Pagkasayang ng COVID-19 vaccines, hindi katanggap-tanggap – Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi katanggap-tanggap na hindi bigyan ng supply ng COVID-19 vaccines ang mga lugar na nakararanas ng rotational brownouts.

Nabatid na ilang bahagi ng Luzon ang nakararanas ng power outages dahil sa mataas na demand at mababang supply ng kuryente.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na “inexcusable” ang pagkasayang ng bakuna dahil lamang sa brownout o hindi nailagay ang bakuna sa malamig na temperatura o bigong buksan ang freezer.


“Inexcusable iyon kasi napakavaluable commodity ngayon ang bakuna, di ba? Kapag merong isang bagay na very valuable parang ginagawa mo iyong lahat para masecure yun,” ani Robredo.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na mayroon silang contingency plans para sa storage ng COVID-19 vaccines sakaling magkaroon ng rotating brownouts.

Ang mga vaccination site ay inatasang magsagawa ng “simulation activities” at mag-back-up ng power sources.

Facebook Comments