Pagkasira ng bahura sa WPS, may epekto rin sa fish sufficiency ng mga karatig-bansa ng Pilipinas ayon sa BFAR

Nababahala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa pagkasira ng coral reef malapit sa Palawan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na ang pinsala sa bahura sa Rozul at Escoda Shoal ay may epekto hindi lang sa food security ng Pilipinas kundi ng mga kalapit bansa.

Ayon kay Briguera, may tinatawag na interconnectivity ng marine ecosystem.


Ang nangyayari anya sa West Philippine Sea ay naglalagay rin sa alanganin sa fish sufficiency ng lahat ng mga bansang nasa rehiyon.

Aminado ang opisyal na nananatiling hamon ang pangingisda sa nasabing bahagi ng karagatan.

Ang BFAR aniya ay kaisa sa posisyon ng National Task Force on the West Philippine Sea na ang anumang presensya ng mga dayuhan sa West Philippine Sea ay banta sa soberenya.

Facebook Comments