Pagkasira ng mga bakuna kontra ASF, pinapaimbestigahan ng isang senador

Ipinasisiyasat ni Senator Lito Lapid sa Senate Committee on Agriculture ang napaulat na pagkasira ng mga biniling bakuna kontra African Swine Fever (ASF) sa mga baboy.

Pagpapaliwanagin ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa posibleng kapabayaan sa pagkaka-expire ng mga anti-ASF vaccine na dapat ay napaimahagi na sa mga nag-aalaga ng baboy.

Nababahala si Lapid sa muling paglabas ng epidemya sa Batangas at Occidental Mindoro kung saan apektado na ang mga hog raiser.


Dahil dito ay nagresulta na ito sa pagtaas ng presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan.

Hinikayat ni Lapid si Pangulong Bongbong Marcos na maglaan ng dagdag na pondo pambili ng bakuna sa baboy upang hindi na kumalat ang sakit na ASF sa ibang lalawigan.

Facebook Comments