Pagkasira ng mga dokumento at mga ebidensya sa PhilHealth anomaly, pina-iimbestigahan na rin ng DOJ sa NBI

Pinakilos na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation para matiyak na mapo-proteksyunan ang mga dokumento kaugnay ng sinasabing bilyong pisong katiwalian sa PhilHealth.

Kasunod ito ng mga impormasyon na may nangyayaring pagsira sa mga dokumento at ibang ebidensya sa anomalya.

Ayon kay Sec. Guevarra, pinakilos niya ang mga ahente ng NBI sa mga regional offices nito para tiyakin na ma-preserve at mapoproteksyunan ang lahat ng mga mahahalagang dokumento na nasa pangangalaga ng PhilHealth.


Iginiit pa ng kalihim na mayroon man o walang koneksyon ang mga public at official document na nasa kostodiya ng mga sangay ng PhilHealth sa ginagawang imbestigasyon, hindi ito dapat masira at kailangan mapreserba.

Una nang napaulat na sinimulan nang sirain ang mga ebidensya sa mga tanggapan ng PhilHealth sa iba’t ibang rehiyon.

Facebook Comments