Naniniwala ang National Security Council (NSC), na sinadya ang pagkasira ng Sandy Cays para baliktarin ang 2016 Arbitral ruling na una nang pumabor sa Pilipinas.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa oras kasi na masira ang Sandy Cays ay lilikha ito ng low tide features sa bahagi ng Pagasa island.
Kapag nabago aniya ang structure ng Sandy Cays o nagkaroon ng bagong low tide features ay lilikha ito ng isang uri ng entitlement, na maaaring baguhin ang naging ruling ng UN Tribunal noong 2016.
Nabatid na nakitang tinambakan ng mga durog na bahura ang Sandy Cays 1, 2 at 3 na hanggang lampas tao.
Batay sa teorya ng mga eksperto, sinadya ito para hindi pakinabangan ng mga Pilipinong mangingisda.
Pero sa batay sa mas malalim na pag-aaral ng NSC, posibleng nais mangyari ng mga sumira sa lugar na ipawalang bisa ang 2016 Arbitral ruling para tanggalan ng karapatan ang Pilipinas sa WPS.