Pagkasira o pagbaluktot ng isip ng mga Pilipino, pinakamapanganib na anyo ng katiwalian

Nagpaalala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi lamang nakaw na pondo ang pinakamalaking banta sa kapayapaan, kundi ang pagkasira ng isipan ng Pilipino.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director, Undersecretary Ernesto Torres Jr., sa naging pahayag ng mga dating rebelde, ang katiwalian sa burukrasya ang nagtulak sa kanila na sumapi sa armadong pakikibaka, isang sitwasyong sinasamantala ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang mahikayat ang mga estudyante, kabataan at iba pang sektor.

Paliwanag ni Usec. Torres ang tunay na korapsyon ay makikita hindi lamang sa paglustay ng pondo kundi sa pagpapalaganap ng ideolohiyang pumapabor sa karahasan kapalit ng dayalogo.

Giit pa ni Torres, sinasakyan ng CPP-NPA-NDF ang mga lehitimong adbokasiya at ginagawang radikal na mapanira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Kasunod nito, nananawagan ang task force sa mga mambabatas na papanagutin hindi lang ang mga tiwaling opisyal kundi pati na rin ang mga terrorist recruiters.

Facebook Comments