Pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3, pinaiimbestigahan sa Kamara

Isinulong ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman na maimbestigahan ng Mababang Kapulungan ang pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3 kung saan 31 ang nasawi at marami pang pasahero ang patuloy na hinahanap.

Ayon kay Hataman, layunin ng pagdinig na matukoy kung ano ang sanhi ng trahedya, sino ang responsable, bakit hindi naagapan, sea-worthy ba ang ferry, bakit hindi agad naka-aksyon ang mga kawani ng barko at bakit madaming nasawi?

Sabi ni Hataman, higit sa lahat ay inaasahang lalabas sa imbestigasyon kung paano ito maiiwasan sa susunod at kung kailangang magpasa ng bagong mga panukala o amyendahan ang mga umiiral na batas para hindi na ito maulit.


Diin ni Hataman, buhay ng tao ang nakasalalay kaya dapat matukoy kung nagkaroon pa ng pagkukulang sa implementasyon ng kinauukulang mga batas at mga patakaran o polisya.

Ang isinusulong ni Hataman na imbestigasyon ng Kamara ay bahagi ng hangarin na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng naturang sakuna.

Facebook Comments