Manila, Philippines – Posibleng sa kalagitnaan pa ng Abril mapipili ang ikatlong telecommunications player sa Pilipinas.
Ito ay sa kabila ng paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa Marso dapat makapili ng bagong telco.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) OIC Eliseo Rio – kailangang itong i-extend para mapunan ang mga non-working days ngayong Pebrero at Marso.
Paliwanag ni Rio – gusto ni Pangulong Duterte na ang deadline ay katapusan ng Marso pero paano magagawa ang bidding kung ang huling linggo ng Marso ay Mahal na Araw (Holy Week).
Inaanunsyo na lamang aniya ng gobyerno kung kailan ang eksaktong petsa ng pagsusumite ng bids.
Facebook Comments