Cauayan City, Isabela- Inatasan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang lahat ng alkalde sa probinsya na maghigpit sa pagbabantay sa pagpasok at paglabas maging ang pagbebenta ng alagang baboy at processed meat.
Ito ay batay sa executive order no.29-2020 para makaiwas sa posibleng pagdami ng kumpirmadong kaso ng African Swine Fever sa lalawigan.
Ipinag-utos din ng opisyal sa lahat ng alkalde na higpitan ang polisiya sa ‘NO KATAY’ o pagbabawal sa pagkatay ng mga alagang baboy sa mga bakuran.
Maliban dito, ipinagbabawal din ang tinatawag na ‘NO PAURAGA’ o pagkatapos katayin ay ipapautang ito sa mga residente sa mga barangay.
Samantala, nasa mahigit 400 baboy ang isinaillaim sa ilang bayan gaya ng Quezon, Roxas, Mallig, Aurora, Luna at Ramon.
Posibleng patawan ng parusa ang sinumang maaaktuhang lumabag sa kautusan.