Pagkatig ng DILG sa pagbuhay sa anti-subversion law, kinontra ni Justice Sec. Guevarra

Mas pabor si DOJ Secretary Menardo Guevarra na amyendahan ang Human Security Act.

Ayon kay Guevarra, maraming probisyon ang batas na kinakailangang baguhin at kailangang bigyan ito ng ngipin.

Ang reaksyon ng kalihim ay kasunod ng pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat nang buhayin ang anti-subversion law.


Nilinaw rin ni Guevarra na ang pagiging kasapi lamang ng CPP (Communist Party of the Philippines) ay hindi isang krimen maliban na lamang kung may nagawang overt criminal acts.

Isa sa mga probisyon sa batas na dapat amyendahan ay ang pagpapataw sa law enforcer ng P500,000 na penalty para sa kada araw na pagkabilango ng isang taong napagkamalan na sangkot sa terorismo, kahit pa ito ay ginawa naman ng law enforcer “in good faith.”

Facebook Comments