Pagkatig ng Korte Suprema sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao, ikinagalak ng Iligan LGU

Manila, Philippines – Ikinagalak ng lokal na pamahalaan ng Iligan ang pagkatig ng Korte Suprema sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Sa interview ng RMN kay Iligan Mayor Celso Regencia – lubos na makakatulong ito para mapigilan ang anumang susunod na hakbang ng mga terorista na naghasik ng kaguluhan sa Marawi City.
Sang-ayon din ang alkalde na palawigin pa ang batas militar.
Kasabay ng paghupa ng gulo sa kalapit na Marawi City, nanindigan ang akalde, na mahigpit pa rin ang kanilang seguridad sa lungsod.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa mga bakwit na pansalamatanang kinakanlong sa lungsod.

Facebook Comments