Pagkawala ng 34 na sabungero, posibleng may “concerted efforts” ng isang grupo – DOJ

Posibleng mayroong “concerted efforts” o sama-samang pagkilos ng isang grupo ang pagkawala ng 34 na sabungero.

Ito ang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus “Crispin” Remulla sa ambush interview kanina matapos ang dayalogo sa pamilya ng mga biktima, nang tanungin kung sino ang mastermind sa kaso.

Ayon kay Remulla, bagama’t ayaw niya ng spekulasyon ay sinabi aniya ng Philippine National Police (PNP) na mayroon ngang concerted efforts ng isang grupo.


Dagdag pa ng kalihim, inaalam nila ang lahat batay sa ebidensya at mayroon nang sinusundan na lead ang PNP.

Kinumpirma rin ni Remulla na matapos ang ang pagpupulong ay nagkasundong magkaroon ng regular na dayalogo sa pagitan ng DOJ, National Bureau of Investigation (NBI), PNP, at pamilya ng biktima.

Samantala, umaasa naman ang pamilya ng mga biktima na magiging Pamasko nila ang inaasam na hustisya para sa kanilang kaanak.

Facebook Comments