Pagkawala ng ibang kasabwat ni dismissed Mayor Alice Guo Sa POGO, pinatututukan ng senador sa mga awtoridad

Kinalampag ni Senator Sherwin Gatchalian ang Law Enforcement Agencies na tutukan at alamin ang biglang pagkawala ng iba pang mga kasabwat sa iligal na operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa Bamban at Porac.

Ayon kay Gatchalian, ito ang isa sa mga isyu na kailangang harapin ng mga awtoridad.

Sinabi ng mambabatas na magandang pakinggan na maraming POGO ang na-raid at nagpapasalamat siya sa pagkilos at pagbubuwis-buhay ng mga Law Enforcement Agencies matunton lamang ang kuta ng mga krimen ng POGO.


Subalit kahit maghain aniya ng kaso ay balewala rin dahil “physically” ay wala na rito sa bansa ang mga sangkot sa krimen ng illegal POGO operation.

Batay aniya sa mga dokumento ay maraming kasabwat si Guo Hua Ping o mas kilalang si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, sa pagpapatayo ng mga POGO hub.

Marami aniya sa mga indibidwal na nasa incorporation papers ng Lucky South 99, Whirlwind Corp., Baofu Land, Zun Yuan, at Hongsheng ay nakalabas na ng bansa.

Facebook Comments