Pagkawala ng interes ng Malacañang sa isinusulong na IPC, ipinagtaka ng isang senador

Ipinagtataka ni Senate President Ping Lacson kung bakit biglang nawalan ng interes ang Malakanyang sa Independent People’s Commission (IPC) na mas may ngipin sa pag-iimbestiga ng mga anomalya sa mga proyekto ng gobyerno.

Kaugnay na rin ito sa pahayag ng Palasyo na nangangamba silang makwestyon ang constitutionality ng IPC at posibleng maging duplikasyon lang ng Office of the Ombudsman at Department of Justice.

Naniniwala si Lacson na nagagawa pa rin naman ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kanilang layunin na makakuha ng mga mahahalagang impormasyon na makatutulong sa pag-usad ng preliminary investigation ng Ombudsman at Department of Justice (DOJ).

Nakatulong din aniya ang ginagawa ng ICI para makapaghain ng matitibay na kaso laban sa mga nasa likod ng pagwawaldas ng public funds.

Tinukoy pa ni Lacson na kahit nga ang Kongreso ay kumilos para sundin ang utos ng Pangulo na alamin ang puno’t dulo ng katiwalian sa mga imprastraktura na hindi nagawa ng mga naunang administrasyon.

Facebook Comments