Labis na ikinakabahala ni Senator Leila de Lima ang nadadagdagang bilang ng mga sabungero na umano’y dinudukot at hanggang ngayon ay nawawala pa rin.
Diin ni de Lima, hindi ito pwedeng ipagkibit-balikat lang ng gobyerno lalo’t may mga pamilyang labis na nag-aalala at nangangamba para sa mga biktima na hindi nila alam kung nasaan, anong dahilan ng pagkawala at ano ang kanilang kalagayan.
Hiling ng senador sa mga otoridad, magsagawa ng masusing imbestigasyon upang panagutin ang dapat managot bago pa lalong lumobo ang bilang ng mga nawawala.
Nababagalan si De Lima sa takbo ng imbestigasyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa tukoy ang mga suspek na maaring konektado sa sindikato na may kaugnayan sa online o E-sabong.
Facebook Comments