Nangangamba ang Trade Union Congress of The Philippines (TUCP) sa posibleng pagkawala ng trabaho ng libu-libong mga manggagawa sa susunod na anim na buwan bunsod ng COVID-19 outbreak.
Ayon kay TUCP Representative Raymond Mendoza, posibleng umabot sa 7,000 empleyado ang maaapektuhan ng retrenchments, matapos ang ipinatupad na voluntary termination ng Philippine Airlines (PAL) sa kanilang 300 empleyado.
Posible rin aniyang sumunod ang iba pang industriya gaya ng hotels, restaurants, land transport service, logistics, catering at iba pang suppliers ng airlines.
Ipapatawag naman ng TUCP ang national tripartite industrial peace council na binubuo ng; Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Finance (DOF) para bumuo ng mitigating measures kontra COVID-19.