Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na unang hakbang sa paghilom ng sugat ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Vice President Leni Robredo kahit nagbatian lang at nagkamayan ito.
Ayon kay Escudero, pulitikal at hindi naman personal ang kanilang pagkakaiba ng pananaw kaya mas madali itong maaayos.
Sa katunayan ang orihinal na plano ay sasamahan ni Robredo ang pangulo at iba pang panauhin sa stage pero maaga itong umalis dahil may hinahabol itong appointment sa Naga City, kung saan tumatakbo ito sa pagka-alkalde para sa 2025 midterm elections.
Gayunpaman, symbolic aniya ang pagkikitang ito hindi lang nina PBBM at VP Leni kun’di nilang tatlo na naging magkakalaban sa vice presidential race noong 2016.
Gaya sa sports, sa halalan aniya ay dapat sumunod sa rules and regulations at tanggapin ng maluwag kung sino ang magwawagi o mananalo.