Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang pagkilala ng European Union sa mga hakbang na ginagawa ng Administrasyong Duterte para sa kapayapaan at sa Socio Economic Agenda ng Pamahalaan.
Base sa kasi sa report ng EU sa ikalawang bahagi ng 2016 ay sinabi nito na positibo ang development ng pagtutok ng Duterte Administration sa paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao at ang mga programa sa Socio-economic Agenda na magpapagaan ng buhay ng mga Pilipino.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Ernesto Abella, isang magandang balita na napansin ng EU ang mga magagandang ginagawa ng Administrasyong Duterte.
Pero sinabi din nito na ang inilahad ng EU patungkol sa sitwasyon ng Human rights sa bansa ay rehash o luma na dahil dumaan na ang ilan sa mga ito sa imbestigasyon at matagal narin namana niyang nanindigan ang Malacañang na walang nangyayaring extra judicial killing sa bansa.
Pagkilala ng EU sa magagandang development sa Pilipinas, ikinatuwa ng Malacañang
Facebook Comments