Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi nagbabago ang pagkilala ng Pilipinas sa One China Policy sa gitna ng kaniyang ginawang pagbati sa bagong presidente ng Taiwan.
Ayon kay Pangulong Marcos, common courtesy lamang ang ginawa niyang pagbati, lalo’t binati rin siya ng Taiwan noon naluklok siya sa pwesto.
Mahigpit pa rin aniyang sinusunod ng Pilipinas ang One China Policy at hindi isinusulong ng bansa ang independence ng Taiwan.
Dagdag pa ng pangulo, nananatili pa rin namang probinsya ng China ang Taiwan at internal affairs na aniya ng dalawang bansa ang usapin sa pagitan ng mga ito.
Sa ngayon, ang nais lamang daw ni Pangulong Marcos ay isulong ang kapayapaan at huwag nang magkagulo.
Facebook Comments