
Hindi katanggap-tanggap para kay Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang ginawang pagkilala ng Senado sa tinaguriang “heroes of Extra Judicial Killing o EJK.”
Dismayado si Congressman Pulong na nagluluksa ang Senado para sa mga kriminal pero tahimik sila sa mga totoong biktima ng ilegal na droga tulad ng mga batang ginahasa at pinatay ng mga adik, gayundin ang mga pamilyang sinira at mga komunidad na ginulo ng talamak na operasyon ng ilegal na droga.
Tanong ni Rep. Duterte sa Senado, paano naman ang mga pulis na araw-araw lumalaban sa kriminalidad at ang mga sundalong nakipaglaban at nagbuwis ng buhay laban sa mga terorista at New Peoples Army para ipagtanggol ang bayan.
Punto pa ni Duterte, binigyang-dangal ang “heroes of EJK” pero hindi man lang inalala ng Senado ang 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force o ang SAF 44 na nagbuwis ng buhay para sa kaligtasan ng mamamayan.










