PAGKILALA SA KATAPANGAN | Pagkakabit ng ‘Red Rose Pins’, isasagawa ng AFP bilang pagdiriwang ng ika-82 Anibersaryo ngayong araw

Manila, Philippines – Bilang pagkilala sa mga sundalong nasawi sa Marawi, ilulunsad ng militar tinatawag na “Red Rose Pin” kasabay ng pagdiriwang ng ika 82-Anibersaryo ng AFP ngayong araw.

Ayon kay Acting AFP Spokesman Marine Col. Edgard Arevalo, ang “red rose pin” ay isang “badge of honor” na magpapaalala sa sakripisyo at pagsusugal ng buhay ng mga sundalo para sa bayan.

Ito aniya ang unang pagkakataon na gagamitin ang “Red Rose Pin” na unang ipapamahagi sa mga iniwang mahal sa buhay ng mga sundalong nasawi sa giyera sa Marawi.


Maari rin aniyang isuot ito ng mga sibilyan na nais ipakita ang kanilang pagsuporta sa mga nagpakabayaning sundalo.

Ang Red Rose Pin ay may isang solong rose na may red white and blue ribbon sa tangkay, at may katagang “Lest We Forget” na nakasulat sa ibabang bahagi.

Kaugnay nito mamayang alas-tres ng hapon isasagawa ang AFP Anniversary program sa Camp Aguinaldo na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments