PAGKILALA SA SAN JUAN, LA UNION BILANG ‘SURFING CAPITAL OF THE NORTH’, INIHAIN SA KAMARA

Isinusulong ng isang mambabatas sa Kamara ang panukalang batas na kilalanin bilang “Surfing Capital of the North” ang San Juan, La Union.

Nakasaad sa House Bill 1214, hangarin na magkaroon ng pormal na deklarasyon ng pagkilala sa San Juan at paglaanan ng pondo para sa developmental projects at paglago pa ng turismo sa lugar.

Noong 2024, umabot sa P2 bilyon ang revenue ng surfing industry sa San Juan dahilan ng potensyal nito pag-angat ng ekonomiya.

Kabilang ang San Juan sa Tourism Central Circuit ng La Union na higit dinarayo ng mga turista. Sa katunayan, nanguna ang bayan sa pinaka binisita noong Semana Santa na may 61,002 tourist arrivals sa loob ng isang linggo.

Positibo naman ang Pamahalaang Panlalawigan sa naturang panukala bilang suporta sa hangarin na maging Agri-Tourism Center of Northern Luzon ang La Union kasabay ng pagpapatupad ng mga proyekto para sa turismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments