Pagkilala sa unang Pilipino na nanalo sa Formula 1 Academy Race, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Calamba City Rep. Charisse Hernandez ang pagkilala sa 18-anyos na si Bianca Bustamante na unang Pilipino na nanalo sa Formula 1 Academy Race.

Nakapaloob ito sa House Resolution 1065 na inihain ni Hernandez na layuning magbigay ng inspirasyon sa maraming kabataang Pilipino ang tagumpay ni Bustamante.

Ang F1 Academy ay isang all-female single-seater race na itinayo ng Formula One para sa mga babaeng motorsports driver.


Si Bustamante na tubong-Santa Rosa, Laguna ay nagwagi sa F1 Academy Race na ginanap sa Valencia, Spain noong Mayo 7, 2023.

Facebook Comments