Pagkilos ng Senado para sa Cha-Cha, patunay na tama ang pagtutulak ng Kamara na mabago ang economic provisions sa Konstitusyon

Para kay House Majority Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose Dalipe, ang pagsusulong ng senador na amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution ay patunay na tama ang 37-taon ng pagtutulak dito ng House of Representatives.

Dagdag pa ni Dalipe, pinatibay rin nito ang posisyon ng Mababang Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang constitutional amendments ay mahalaga para kasabay tayo sa mabilis na galaw ng pandaigdigang ekonomiya.

Binanggit ni Dalipe na paulit-ulit ding sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan nito upang maiangat ang estado ng pamumuhay ng mga Pilipino.


Tiniyak ni Dalipe, tututukan at susuportahan ng liderato ng Kamara ang mga kaganapan kaugnay sa resolusyon sa Senado na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Facebook Comments