Pagkolekta ng bayad ng mga bus terminal para sa paggamit ng mga comfort room at iba pang kinakailangang requirements, pinuna ng LTFRB

Nagbabala Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility bus at terminal operators na mahigpit na ipatupad ang iba’t ibang terminal at Public Utility Vehicles (PUV) requirements.

Ginawa ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III ang babala panawagan kasunod ng inspeksyon ng ahensya kasama si Senador Raffy Tulfo sa mga piling terminal sa Metro Manila, kung saan nakitaan ng maraming paglabag ang mga ito.

Kabilang sa nasilip ng LTFRB ay pagkolekta ng bayad para sa paggamit ng mga comfort room.


Ilang units ng bus din ang nakitaang walang mga fire extinguisher, gayundin ang mga may sira-sirang gulong.

Nagpaalala rin si Guadiz sa mga terminal operators na mahigpit na ipatupad ang iba’t ibang terminal at PUV requirements kabilang dito ang Global Navigation Satellite System (GNSS), Closed-Circuit Television (CCTV) na may tuloy-tuloy na recording ng nakalipas na 72 oras ng operasyon.

Dapat din umanong magtalaga ng mga priority/express lane at maglagay ng mga diaper-changing table sa loob ng mga banyo sa loob ng bus terminal.

Sinabi pa ni Guadiz sa mga terminal operator na isama ang probisyon para sa walk-through metal detectors at handheld metal detector.

Ani Guadiz, kinakailangang mahigpit nang ipatupad mga requirements na ito sa terminal upang mabigyan ang amga pasahero ng ligtas, kumportable, accessible at environment-friendly na pampublikong transportasyon sa buong bansa.

Facebook Comments