Pagkolekta ng DFA ng allegiance fee, pinapatigil ni Senator Drilon

Manila, Philippines – Pinapatigil na ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang paniningil ng Department of Foreign Affairs o DFA ng allegiance fee sa lahat ng mga Pilipino na nais muling makamit ang kanilang Filipino citizenship.

Pahayag ito ni Drilon, makaraang idulog sa kanya ng mga Pinoy sa Spain at Andora ang 45 euros o halos 2,700 pesos na sinisingil sa kanila ng DFA bago sila makapanumpa ng allegiance o katapatan sa Pilipinas.

Katwiran ni Drilon, hindi naman income-generating institution ang DFA kaya sa halip na komolekta ay dapat pagsilbihan nito ang mga Filipino citizens sa ibang bansa.


Ayon kay Drilon, dahil sa mataas na singil ng DFA ay posibleng hindi na ituloy ng mga Pinoy sa abroad ang pag-require ng kanilang Filipino citizenship.

Una rito ay inihain ni Drilon ang senate bill no. 19, na mag-aamyenda sa citizenship retention and re-acquisition act of 2003 upang maging simple ang proseso sa pagpapanatili o pag-reacquire ng Filipino citizenship.

Facebook Comments