Itinanggi ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ang kaniyang komento sa kontrobersya ng Armed Forces of the Philippines na ‘frigate deal.’
Ayon sa kampo ni Pacquiao, hindi sila naniniwalang may sinabi ang senador tungkol sa isyu at ang basehan lamang ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ay ang meme na kumalat sa social media.
Anila, patuloy pa rin nilang bineberipika kung sino ang nagpakalat ng meme.
Matatandaan nitong Huwebes, sinabi ni Lorenzana na simula pa noong 2017 ay iniimbestigahan na ng Senado ang frigate deal ngunit walang nakitang anomalya.
Habang noong taong 2017 nang maglunsad ng imbestigasyon ang Senado sa controversial acquisition ng dalawang Philippine Navy frigates sa kabila ng ulat na nakisali si Senador Bong Go sa proyekto.
Facebook Comments