Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kumalat na “fake news” sa social media na pinanghinayangan umano nila ang pagkamatay ng mga teroristang sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Sa nasabing post na umano’y nagkakalat ng fake news, nakasaad na kinukondena ng CBCP ang pagpatay ng mga sundalo kina Hapilon at Maute kung saan dapat ay sa katawan na lang pinatamaan ang dalawa para sana hindi namatay ang mga ito.
Pero nilinaw ni CBCP President Lingayen Archbishop Socrates Villegas na walang inilabas na anumang pahayag ang kanilang organisasyon.
Sa katunayan ay pinupuri pa nila ang katapangan at kagitingan ng mga sundalo sa kanilang operasyon para matalo ang mga terorista.
Tiniyak rin ni Villegas na handa silang makipagtulungan sa gobyerno para matulungan ang Marawi City na makabangon.
Ipagdarasal din nila ang mga nasawi sa ilang buwang bakbakan at para na rin sa kapayapaan sa Mindanao.
Pagkondena ng CBCP sa pagkamatay ng mga teroristang sina Isnilon Hapilon at Omar Maute, “Fake News”
Facebook Comments