Suportado nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson ang hakbang ng Commission on Elections (COMELEC) na simula sa Oktubre ay ikukunsidera ng campaign expenses ang political ad sa social media ng mga kandidato.
Magandang hakbang ito para kay SP Sotto para marendahan ang mga kandidato na may bilyung pisong campaign funds.
“That’s a good move. The candidates with billions of campaign funds will be straightjacketed,” sabi ni Sotto.
Sabi naman ni Senator Lacson, pagkatapos maghain ng certificate of candidacy ay magiging official candidate na ang isang kandidato kaya’t maaaring i-regulate ng COMELEC ang gastos ng mga ito sa political ads sa social media.
Diin pa ni Lacson, patas din ang nabanggit na hakbang ng poll body lalo na sa mga kandidato na hindi kalakihan ang campaign funds para sa campaign ads.
“It’s about being officially a candidate which is upon filing of the COC. That’s fair to everybody, especially those who have less campaign funds to use for campaign ads,” ani Lacson.
“Definitely a welcome development since it won’t put the administration candidates at an advantage since they are always presumed to have more than enough resources at their disposal,” dagdag pa ni Lacson.
Tiwala si Lacson na sa ganitong paraan ay hindi makakalamang ang mga kandidato ng administrasyon na inaasahang may higit na resources para gamitin sa kampanya.