Sinuportahan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagkonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pangalan para sa vice presidential post sa 2022 election.
Ayon kay IBP President Domingo Cayosa, batay sa 1987 Constitution ay walang magiging paglabag kung tatakbong bise-presidente si Pangulong Duterte para sa May 2022 elections.
Habang wala rin aniyang legal impediment o magiging hadlang kay Duterte para muling pamunuan ang bansa.
Sa katunayan pa nga aniya, ilang dating pangulo na rin ang tumakbo sa ilang posisyon sa gobyerno matapos ang kanilang termino tulad nina; dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada na nanungkulan bilang Congresswoman ng Pampanga at alkalde ng Maynila.
Facebook Comments