Pagkontra ng mga Palaweños na hatiin sa tatlo ang kanilang probinsya, iginagalang ng Malacañang

Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng mga taga-Palawan na tutulan ang panukalang hatiin sa tatlo ang kanilang probinsya.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ideklara ng Board of Canvassers ng Palawan Plebiscite na marami ang bumotong “hindi” na hatiin sa tatlong lalawigan ang kanilang isla.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lumabas na ang pinal na desisyon at iginagalang nila ito.


Noong April 5, 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11259 na layong hatiin ang Palawan sa tatlo: Palawan del Norte; Palawan Oriental; at Palawan del Sur.

Facebook Comments