Iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posisyon ng kanyang anak na si Mayor Sarah Duterte Carpio ukol sa Federalismo.
Matatandaan kasi na sinabi ni Mayor Sarah na hindi siya pabor sa pagkakaroon ng federal form ng gobyerno sa kabila narin ng pagsusulong nito ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi pa nila napaguusapan ng Pangulo ang issue pero kilala aniya niya ang Pangulo at ito aniya ay marunong gumalang sa pananaw ng iba.
Sinabi ni Panelo na hindi lamang ang opinyon ni Mayor Sarah ang iginagalang ng Pangulo kundi ang pananaw din ng iba sa usapin.
Matatandaan na sinabi ni Mayor Sarah na ang makikinabang lamang sa Federalismo ay ang mga warlords sa Mindanao kaya hindi niya ito sinusuportahan.