Pagkontrol ng mga siyudad sa COVID-19, susi para sa pagbubukas ng turismo

Importanteng makontrol ng mga siyudad ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar habang unti-unti silang tumatanggap ng mga turista.

Ito ang iginiit ng National Task Force against COVID-19 kasabay ng pagsusulong ng ‘tourism bubbles.’

Ayon kay NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, dapat gawing halimbawa at modelo ng ibang siyudad ang Baguio City.


“Ngayon dapat ma-replicate natin yan and we are very open to talking to other areas throughout the country, especially yung ating mga (our) tourist spots tulad ng Boracay, Bohol, Palawan para magcreate tayo nitong mga bubble na ito,” sabi ni Dizon.

Sa pagbisita nila sa Baguio, napansin ni Dizon na ang lahat ng mga tao sa lungsod ay sumusunod sa minimum health standards.

“Kaya lang ang makikita natin dun na pansin na pansin ay sumusunod ang mga tao sa mga rules ng Baguio City lalo sa minimum health standards wala kang makikita na di nakasuot ng mask wala kang makikita na di naka face shield,” dagdag ni Dizon.

Samantala, hinihintay na maaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Philippine Basketball Association (PBA) bubble na magsisilbing halimbawa sa kung paano makokontrol ang isang lugar at matiyak na lahat ng aktibidad na gagawin ay ligtas.

Facebook Comments