Pagkontrol sa ASF dapat isunod sa int’l standard

Nananawagan ang World Animal Protection sa mga opisyal ng pamahalaan at publiko na sundin ang international standards sa pagkontrol ng kumakalat na ngayong African swine fever o ASF.

Ayon kay Mark Dia, Global Farming Director sa World Animal Protection, ang ASF ay contagious viral disease na nakaapekto na sa tinatayang isandaang milyong baboy sa buong mundo.

Ngunit ang pagsugpo sa ASF ay ginagamitan ng malupit na pamamaraan ng culling at sinasantabi ang pandaigdigang panuntunan sa pagkontrol sa sakit.


Ikinaalarma ng naturang grupo ang natanggap na report na  sa ilang bansa sa Asya na dumaranas ng ASF outbreak gaya ng Pilipinas, ay nilulunod, sinusunog o binabaon ng buhay  ang mga baboy na apektado ng ASF dahil sa mas lalong kakalat ang sakit.

Kaugnay nito, sinabi ng World Animal Protection na kailangang maimbestigahan ang illegal practice na ito sa pagkontrol sa ASF.

Facebook Comments